Kabanata 2 – Kaharian ng Berbanya

Buod

  • Ang kabanata na ito ay tungkol sa kaharian ng Berbanya. Dito natin nakilala ang hari ng Berbanya na si Don Fernando at ang kanyang asawa na si Donya Valeriana. Meron silang tatlong anak, si Don Pedro. Siya ang panganay. Si Don Diego ay ang pangalawa at si Don Juan ang bunsong anak. Si Don Pedro ay may tindig na pagkainam. Si Don Diego naman ay inilarawan na malumanay. Si Don Juan naman ay ang paboritong anak ni Don Fernando. Binigyan ni Don Fernando si Don Juan ng palayaw na “Sumikat na isang Araw”. Pinagpili ni Don Fernando sa tatlong anak kung gusto nilang maging isang pari o hari. Pinili ng tatlo na maging hari, kaya naman pinasanay na silang tatlo. Isang gabi napaniginipan ni Don Fernando na may masamang mangyayari kay Don Juan at dahil dito. Nagkasakit si Don Fernando. Tumawag na sila ng doktor ng palasyo pero wala silang magawa sa kanyang sakit. Sinabi ng isang manggagamot na ang makakapaggaling sa hari ay ang awit ng Ibong Adarna. Sinabi nito na matatagpuan itong ibong sa Bundok Tabor at nakatira ito sa puno ng Piedras Platas. Agad inutos ni Don Fernando kay Don Pedro na kunin ang ibon sa Bundok Tabor para magagaling na si Don Fernando.

 

Tayutay

Saknong 20

Alam niyang itong tao

Kahit puno’t maginoo

Kapag hungkag din ang ulo

Batong angas sa palasyo

Pagwawangis – Puno’t maginoo

Saknong 30

Ngunit itong ating buhay

Talinhagang di malaman

Matulog ka nang mahusay,

Magigising nang may lumbay

Kabalintunaan – Dapat masaya ka kapag gumising hindi lumbay.

Pagwawangis – Talinhagang d malaman

Saknong 35

Mula noo’y nahapis na

Kumain man ay ano pa!

Luha at bunting-hininga

Ang aliw sa pag-iisa!

Aporismo – May aral itong saknong

 

 

Mahalagang Saknong

Saknong 7

Noong mga unang araw,

Sang-ayon sa kasaysayan,

Sa Berbanyang kaharian

Ay may haring hinahangaan

Pinapakita nito na gusto ng mga mamamayan ang kanilang pinuno at ibig sabihin na ang haring ito ay isang mabuti at patas na hari

Saknong 16

Anak na kung palayawa’y

Sumikat na isang Araw,

Kaya higit kaninuman

Sa ama ay siyang mahal

Ipinapakita nito na si Don Juan ang paboritong anak ni Don Fernando dahil binigyan pa niya ito ng palayaw na Sumikat na isang Araw

Saknong 42

Ibong ito’y tumatahan

Sa Tabor na kabundukan,

kahoy na hinahapuna’y

Piedras Platas na makinang

Pinakita dito kung saan matatagpuan ang Ibong Adarna. Dito niya makukuha ang ibon para dalhin sa Berbanya para maipagaling na ang hari ng Berbanya na si Don Fernando

Gabay na Tanong

  1. Bakit kaya paborito ng mga tao si Don Fernando?

  2. Saan kaya nanggaling ang masamang panaginip ni Don Fernando?

  3. Bakit ang awit ng Ibong Adarna ang makakagaling kay Don Fernando?

Kahalagahan ng Kabanata

  • Mahalaga ang kabanata na ito dahil ipinakita nito ang isang kaharian na ang pangalan ay Berbanya at ang kanilang paborito na hari na si Don Fernando. Ipinakita dito ang mga anak niya na may iba’t – ibang katangian. Dito umunlad ang ating kwento nung nagkasakit ang hari at ipinapunta niya si Don Pedro sa Bundok Tabor para kunin ang Ibong Adarna sa kanyang puno na Piedras Platas.
About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s