Kabanata 1 – Hiling ng Makata

Buod

  • Ang kabanatang ito ay tungkol sa manunulat ng Ibong Adarna na pinupuri ang Birheng Maria. Naghihingi ang manunulat ng gabay para hindi siya magkamali sa pagsusulat ng Ibong Adarna. Marami pa siyang hiniling mula sa Birheng Maria.

 

Tayutay

Saknong 1

O, Birheng kaibig-ibig

Ina naming nasa langit,

Liwanagan yaring isip

Nang sa layo’y di malihis

Panawagan – O, Birheng kaibig-ibig

Saknong 2

Ako’y isang hamak lamang

Taong lupa ang katawan,

Mahina ang kaisipan

At maulap ang pananaw

Panawagan – Kausap ng makata ang Birheng Maria
Saknong 5

Kaya, Inang matangkakal

Ako’y iyong patnubayan,

Nang mawasto sa pagbanghay

Nitong kakathaing buhay

Panawagan – Kaya, Inang Matangkakal.

Mahalagang Saknong

Saknong 1

O, Birheng kaibig-ibig

Ina naming nasa langit,

Liwanagan yaring isip

Nang sa layo’y di malihis

Hinihiling ng manunulat na liwanagan ng Birheng Maria ang kanyang kaisipan para hindi siya maligaw habang nagsusulat

Saknong 2

Ako’y isang hamak lamang

Taong lupa ang katawan,

mahina ang kaisipan

at maulap ang pananaw

Pinapakita na ang manunulat ay isang tao lamang at siya din ay nagkakamali rin

Saknong 5

Kaya, Inang matangkakal

Ako’y iyong patnubayan,

Nang mawasto sa pagbanghay

Nitong kakathaing buhay

Naghihingi ng gabay ang manunulat mula sa Birheng Maria para wasto ang kanyang pagsulat ng Ibong Adarna

Gabay na Tanong

  1. Bakit humihingi ng tulong ang manunulat sa Birheng Maria?
  2. Ano ang pinapakita ng manunulat sa kanyang paghihingi ng tulong sa Birheng Maria?
  3. Bakit sa Birheng Maria humihingi ng tulong ang manunulat?

Kahalaga ng Kabanata

  • Ang kahalagaan ng kabanata na ito ay ipinapakita nito ang maka-Birheng Maria na katangian ng manunulat. Ipinapakita na madasalin ang manunulat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s