Kabanata 3 – Hamon kay Pedro

Buod

  • Ang kabanatang ito ay tungkol sa lakbay ng panganay na anak ni Don Fernando na si Don Pedro tungo sa Bundok Tabor para hulihin ang Ibong Adarna. Lumakbay si Don Pedro sa kanyang kabayo ng tatlong buwan. Sa huli namatay ang kanyang kabayo. Nang dumating na sa Bundok Tabor si Don Pedro meron siyang nakita na isang punong kumikislap na tila dyamante. Ito na nga ang puno ng Piedras Platas. Naghihintay si Don Pedro ngunit nakatulog ito. Habang natutulog, dumating na ang Ibong Adarna at kumanta ito. Pitong beses ang ibon kakanta at pitong beses ito magpapalit ng anyo ng balahibo. Pagkatapos nito, nagbawas ang Ibong Adarna bago matulog. Napatakan si Don Pedro at ang bunga nito ay naging bato si Don Pedro.

 

 

 

 

 

Tayutay

Saknong 55

Magaganda’t kumikinang

Dyamante yaong kabagay,

Pag hinahagkan ng araw

Sa mata’y nakasisilaw

Pagsasatao – Paghinahagkan ng araw sa mata’y nasisilaw

Saknong 74

Liwanag sa punungkahoy

Nag-aalimpuyong apoy,

Mawisikang daho’t usbong

Nangagbiting na ng magilas

Pagwawangis – Daho’t usbong
Saknong 77 

Ang lahat na’y di napansin

Ng Prinsipeng nagupiling,

Sa pagtulog na mahimbing,

Patay wari ang kahambing

Pagtutulad – Patay wari ang kahambing
Mahalagang Saknong
Saknong 53 

Sa masamang kapalaran

Ang Prinsipe’y nakatagal,

Narating ding mahinusay

Ang Tabor na Kabundukan

Ipinakita na nakarating ng maayos si Don Pedro sa Bundok Tabor. Malapit na siya sa kanyang layunin
Saknong 73 

Sinimulan ang pagkanta

Awit ay kaaya-aya

Kabundukang tahimik na

Ay natalik sa ligaya

Pinakita rito na ang awit ng Ibong Adarna ay masarap pakinggan at kahanga – hanga ito

Saknong 79

Sa masamang kapalaran

Si Don Pedro’y napatakan

Biglang naging bato – buhay

Sa punong kinasandalan

Ipinakita dito na si Don Pedro ay tulong kaya hindi nalaman na dumating ang Ibong Adarna at natapos ang kanta napatakan si Don Pedro at siya ay naging Bato

Gabay na Tanong

  1. Bakit kaya namatay ang kabayo ni Don Pedro?
  2. Bakit nagiging bato ang taong mapapatakan ng dumi ng Ibong Adarna?
  3. Saan pumupunta ang Ibong Adarna tuwing umaga?

Kahalagahan ng Kabanata

  • Mahalaga ito dahil ipinakita nito ang paglakbay ng panganay na anak na si Don Pedro. Ipinakita ang kanyang pagsisikap para makarating sa Bundok Tabor. Ipinakita ang pagkamali ni Don Pedro na natulog at tuloy ay naging bato.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s