Kabanata 4 – Don Diego: “Ako Naman!”

Buod

  • Hindi nakabalik si Don Pedro sa Berbanya kaya inutos ni Haring Fernando si Don Diego na pumunta sa Bundok Tabor para hulihin ang Ibong Adarna. Si Don Diego naman ay lumakbay ng limang buwan. Mahirap ang kanyang paglakbay sa Bundok Tabor. Siya din ay namatayan ng kabayo papunta sa bundok. Nakarating rin si Don Diego sa Bundok Tabor ngunit naaliw si Don Diego sa kanta ng Ibong Adarna kaya’t nakatulog ito. Napatan rin si Don Diego ng dumi ng Ibong Adarna kaya siya rin ay naging bato. Tulad ni Don Pedro.

 

Tayutay

Saknong 84

Parang, gubat, bundok, ilog

Tinahak nang walang takot,

 

Tunutunton ang bulaos

Ng Tabor na maalindog

Pagtutulad – Parang gubat, bundok, ilog

Saknong 85

Sa lakad na walang humpay

Nang may mga limang buwan

Ang kabayong sinasakyan

Ay nahapo at namatay

Pagmamalabis – Sa lakad na walang humpay
Saknong 107

Pitong awit, bawat isa

Balahibo’y iniiba

 

At may kani-kanyang gandang

Sa titingin ay gayuma

Pagwawangis –  Balahibo’y iniiba

Mahalagang Saknong

Saknong 81

Si Don Diego’y inatasang

Hanapin ang naparawal,

Ang Prinsipe’y di sumuway

At noon di’y nagpaalam

Dito ay ipinakita na hindi matagumpay si Don Pedro sa kanyang layunin kaya inutusan na si Don Diego na pumunta sa Bundok Tabor para hulihin ang Ibong Adarna

Saknong 104

Sa lambing ng mga awit

Ang Prinsipeng nakikinig,

 

Mga mata’y napapikit

Nakalimot sa daigdig

Ipinakita dito na si Don Diego rin ay napatulog sa kanta ng Ibong Adarna tulad ng kanyang kapatid na si Don Pedro
Saknong 109

Katulad din ni Don Pedro

Siya’y biglang naging bato,

 

Magkatabi at animo’y

Mga puntod na may multo

Ipinakita na naging bato rin si Don Diego tulad ni Don Pedro dahil napatakan ito ng dumi ng Ibong Adarna

Gabay na Tanong

  1. Bakit mas matagal ang lakbay ni Don Diego kaysa kay Don Pedro?
  2. Mas mahirap ba ang lakbay ni Don Diego?
  3. Bakit napatulog rin ang Ibong Adarna si Don Diego?

Kahalagahan ng Kabanata

  • Mahalaga ito dahil ipinaita ang lakbay ni Don Diego at ipinakita na pareho ang nangyari kay Don Diego at Don Pedro. Naging bato rin si Don Diego.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s