Kabanata 10 – Ang Katotohanan ay Lalabas

Kabanata 10

Noong bumalik na si Don Juan, sobrang saya ni Don Fernando. Nagpalit rin ng balahibo ang Ibong Adarna at kumanta na siya. Gumaling ang hari, pero kinanta ng Ibong Adarna ang paglakbay nila at pati na rin ang katotohanan. Nagalit ang hari. Dapat sanang parusahan niya ang dalawang kapatid pero pinigil siya ni Don Juan. Sinabi ng hari na dapat na bantayan buong araw at gabi ng tatlong magkapatid ang Ibong Adarna.

Tayutay

Saknong 338

Sa tulin ng kanyang lakad

Wari’y ibong lumilipad,

Nasa’y sa sandaling oras

Sapitin ang baying liyag.

Pagtutulad – may “wari” at kinumkumpara ang lakad sa lipad

Saknong 405

Buhat nang siya’y gumaling

ang Adarn’y naging aliw

oras-oras kung dalawi’t

parang bata kung laruin.

Pagtutulad – Parang bata ang ibon kapag laruin

Saknong 411

Tatlong hati sa magdamag

Bawat isa’y tatlong oras;

Para nilang hinahatak

Ang gabi sa pagliwanag.

Pagmamalabis – “hinihila” ang gabi para makita ang araw di naman ito posible.

Gabay na tanong

  1. Bakit nabago ang balahibo ng Ibong Adarna?
  2. Ano ang kinanta ng Ibon?
  3. Bakit gusto ni Don Fernando parusahan ang dalawang magkapatid?

Mahalagang Saknong

Saknong 242

Magkagayo’y ang Adarna

Namayagpag na sa hawla,

Balahibong pangit niya’y

Hinalinhan ng maganda

Ito ay pinagkita na may buhay na ang Ibong Adarna ito ay sinasabi rin na bumalik na si Don Juan sa Berbanya

Saknong 364

“Sa apoy ng kainggitan

Nitong anak mo panganay,

Nagbuko ng kataksilan

Na patayin si Don Juan.

Lumabas na ang katotohanan sa saknong na ito

Saknong 394

“Malaki man po ang sala

Sa aki’y nagawa nila,

Yaon po ay natapos na’t

Dapat kaming magkasama.

Ipinagkita na dito sinabi ni Don Juan na itawarin na ni Don Fernando ang kapatid ni Don Juan at magkasama nalang sila.

Links na nakakatulong sa iyo!

http://www.proprofs.com/quiz-school/story.php?title=ibong-adarna-lt-review

http://ahyay1a.multiply.com/journal/item/12/Ibong_Adarna_summary_talasalitaan_and_tester

Character Profile

Don Juan

Si Don Juan ay bunso sa pamilya. Ang dalawang kapatid niya ay sina Don Pedro at Don Juan. Ang puso niya ay pinakamalinis kay sa dalawang kapatid niya. Siya rin ang pinkamahal ng magulang niya si Don Fernando at Donya Valeriana. Si Don Juan ay isang tao na kakayanin ang lahat at kung may problem dadasal lang siya sa Diyos. Ang kahinaan ni Don Juan ay magandang babae dahil nagpapalit siya ng minamahalan.

Don Pedro

Si Don Pedro ay ang panganay. May magandang postura siya. Halos sa lahat ng oras may masamang balak siya kay Don Juan. Lumalambot ang puso niya ay noong minamahal niya si Donya Leonora.

Don Deigo

Si Don Deigo ay ang pangalawang sa pamilya. Madaling maapektohan at mabago ang kanyang desisyon

Don Fernando

Si Don Fernando ay ang hari ng Berbanya. Mayroon siyang tatlong anak at isang asawa. Si Don Fernando ay narerespektohan ng lahat ng tao dahil sa tamang paghuhusga niya. Siya rin ay nagkasakit sa kwento at pinaghanap niya ang anak niya ang gamot.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s