Kabanata 11 – Inggit ang Sanhi

Buod

Si Don Pedro at si Don Diego ay napatawad na sa kalokohan na ginawa nila subalit si Don Pedro’y muling nakaisip ng paghihiganti. Niyaya niya ang kanyang pangalawang kapatid na sila’y sabay magtanod at sabay ring mamahinga. Sa mga kwento’t biro di namalayan ang oras at dumating na ang ikasampu. Si Don Juan ay ginising na datapwat ay di pa niya oras, siya’y bumigay sa hiling ng kanyang kapatid. Nahirapan si Don Juan ng labis at maski may sikangan ang mga mata, antok ay nagwawagi pa rin. Sa masarap na simoy ng hangin, si Don Juan ay nakatulog at ang dalawa’y lumapit na at binuksan ang kulungan at pinawalan ang Adarna. Kaya nang gumising na si Don Juan, siya’y natakot dahil ang Adarna’y wala na sa paningin. Siya’y hindi takot sa parusa ng magulang kundi kung paano matatakpan ang pagtataksil na nangyari. Dito’y pumasok sa kanyang isip na mahirap pagkatiwalaan ang tao dahil mapapahamak ka lamang. Baka dumating ang umaga, si Don Juan ay lumisan na at nagwika “Ito ang maganda natatago ang may sala.” Pag gising ng hari, siya’y Masaya at nais puntahan at Makita ang Adarna subalit nang makita na wala na ang Adarna, mga mata’y nanlisik.

Dali-daling pinatawag ang tatlo pero dalawa lamang ang nagpakita. Ang dalawa’y nangako na pag si Don Juan ay nasulyapan, siya’y uuwiin nang magdusa. Kung saan-saan sila naghanap, subalit sa layo ng nalakbay ay di pa rin nakikita si Don Juan. Pero sila’y nagtagumpay nang makita si Don Juan sa Armenyang Kabundukan.

 

Tayutay

Saknong 423 -Pagmamalabis dahil may sikangan na nga

Palibhasa’y nahirapan ang mga mata subalit ito’y sumasara pa rin.

Nang mga gabing sinundan,

Mga mata ma’y sikangan

Antok din ang sumasasal.

 

Saknong 429

Bago mitak ang umaga -Kabalintunaan dahil kalian naging maganda

Si Don Jua’y umalis na na natatago ang may sala ?!

Wika’y “Ito ang maganda

Natatago ang may sala.”

 

Saknong 431

Gaano ang panginginig, -Pagsasatao dahil sabi dito ay ang dibdib ay

Mga mata’y nanlilisik, naaaliw ng Adarna. Dibdib naaaliw ?

Nang sa hawla’y di mamasid

Adarnang aliw ng dibdib.

 

 

 

 

Mahalagang Saknong

Saknong 414

Si Don Pedrong pinatawad -Ito’y mahalaga dahil sa saknong na ito

Sa gawaing di marapat, ay makikita na may masamang

Sa sarili’y naging galak binabalak muli si Don Pedro.

Kapatid ay. . . ipahamak !

 

Saknong 427

Di takot sa kagalitan -Mahalaga ito dahil pinapakita sa

O parusa ng magulang, saknong na ito na mahal talaga ni

Kundi pa’nong matatakpan Don Juan ang kanyang mga kapatid

Ang nangyaring kataklisan. dahil siya na nga ang pinagtaksilan

pero pagtatakpan pa niya ang kanilang

sala.

 

Saknong 428

Noon niya napagsukat -Mahalaga ito dahil pumasok na sa ulo

Ang sa tao palang palad ni Don Juan na mahirap magtiwala sa

Magtiwala ay mahirap mga tao dahil ito’y patungo sa daan na

Daan ng pagkapahamak. mapahamak.

 

Saknong 431

Gaano ang panginginig, -Ang saknong na ito ay importante dahil

Mga mata’y nanlilisik, dito makikita natin kung gaano ka

Nang sa hawla’y di mamasid importante ang Ibong Adarna sa Hari.

Adarnang aliw ng dibdib.

 

Saknong 437

Mga bukid, burol, bundok -Dito makikita natin na gagawin talaga

Bawat dako’y sinalugsog; ni Don Pedro’t Deigo ang lahat para

Lakad nila’y walang lagot, malimbag ang Hari.

Sinisipat bawat tumok.

 

Gabay na Tanong

  1. Bakit naisipan ni Don Pedro na ipahamak ang kapatid ?
  2. Bakit si Don Juan umalis ng Berbanya ?
  3. Ano ang naging reaksyon ng Hari nang pagmasid sa hawla ay wala ang Adarna ?

 

 

Kahalagahan ng Kabanata

Ang kabanata na ito ay mahalaga dahil ipinapakita nito na si Don Pedro ay di pa rin nagbabago kahit na siya’y binigyan ng ikalawang pagkakataon habang si Don Juan naman ay pinagtakpan ang kataksilan na nangyari dahil sa labis na pagmamahal niya sa kanyang mga kapatid na wala ng inisip kung hindi maghiganti dahil sila ay napahiya .

2 responses to “Kabanata 11 – Inggit ang Sanhi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s