Kabanata 12 – Di Husto ang Tangad

Buod

Sa Armenyang Kabundukan nahanap ni Don Pedro at Diego si Don Juan. Ang Armenya’y isang lugar na maganda. Tumutubong punungkahoy na namumunga. Marami rin uri ng mga ibon dito tulad ng maya, pugo, kalaw, limbas, uwak at lawin. Dito rin ay mabango dahil ang simoy ng hanging ay amoy sampaga at milegwas.Tahimik at mapayapa rin dito sa buong araw. Sa lugar na ito, nag-usap ang mga kapatid at napagkasunduan na kung ayaw na ni Don Juan bumalik sa Berbanya, sila’y sama-sama na lamang maninirahan sa Armenyang Kabundukan. Sila’y nanirahan sa Armenya ng payapa ay Masaya. Tuwing linggo ay nagkakaroon ng munting salu-salo.

Sa bandang huli, sila’y naghahanap na ng ibang bagay na pwedeng gawin upang mapaglibangan at pumunta sa parte ng bundok na hindi pa napupuntahan.

 

Tayutay

Saknong 452

Matutulog ka sa gabi -Pagsasatao dahil ang langit daw ay

Na Langit ang nag-iiwi babantay sa gabi tuwing natutulog.

Sa magdamag ay katabi

Ang simoy na may pagkasi.

 

Saknong 453

Magigising sa umaga, -Pagsasatao dahil kinakausap niya ang araw.

Katawan mo ay masigla,

Kausap na tumatawa

Ang araw na walang dusa.

 

Saknong 465

Sa dibdib ma’y nakapako, -Pagmamalabis dahil nakapako raw ang

Ang subyang ng pagsiphayo, subya ng pagsiphayo.

Hinahon ng kanyang puso.

 

Mahalagang Saknong

Saknong 444

Tumutubong punungkahoy -Ito’y mahalaga dahil makikita natin kung

Mga bungang mapupupol gaano ka yaman ang Armenyang Kabundukan.

Matataba’t mayamungmong,

Pagkain ng nagugutom.

 

Saknong 457

Namagitan kapagdaka -Mahalaga ito dahil nang makita ni Don Pedro

Si Don Pedro sa dalawa, na si Don Diego ay nagpapakita ng hiya’t

Si Don Diego’y nayaya nang takot, siya’y agad umaksyon upang si Don

Magpanayam na mag-isa. Diego ay kumalma.

 

 

Sakong 471

Sa mga araw ng Linggo -Ito’y mahalaga dahil ang saknong na ito ay

Walang alis silang tatlo, ipinapakita na ang buhay nila sa Armenya ay

Sa kanila naming kubo mala-Hari.

May masayang salu-salo.

 

 

 

Gabay na Tanong

  1. Bakit si Don Juan nagtungo sa Armenya upang magsisi ?
  2. Bakit si Don Diego nahiya at natakot ?
  3. Bakit nila ginusto na makapunta sa parte ng bundok na hindi pa nila napupuntahan ?

Kahalagahan ng Kabanata

Mahalaga ito dahil makikita natin kung bakit dito si Don Juan pumunta upang mag-isip sa kanyang kasalanan. Pumunta siya dito dahil dito’y mapayapa at tahimik. Tamang-tama para makapag-isip.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s