Kabanata 13 – Tagumpay at Tatag ng Loob

Buod

Ang magkakapatid ay naglalakbay ng tanghaling tapat habang araw ay napakainit at nakakapaso. Nang maakyat ang kabatuhan, may balong natagpuan. Ang balon ay nakakaakit sa kanilang tingin. Sila’y nagtaka dahil napakalinis nitong balon. Walang mga damo na sukal. Ang ibabaw ay malinis at makinis na batong marmol. Dahil dito’y sila’y hindi sigurado kung walang nagmamay-ari ng balon ngunit kahit saanman sa paligid tumingin, walang bahay na namamasid. Si Don Pedro’y unang pumasok subalit tatlumpung limang dipa lamang ang naabot at sumuko na dahil hindi niya natagal ang dilim na bumabalot. Si Don Diego naman ay sumunod. Nilakasan niya nga ang kanyang loob , umahon pa rin ng takot dahil sa lalim na hindi masukat. Ang huli at pangatlong pumasok sa balon ay si Don Juan. Natalagan niya ang dilim at ang lalim na hindi matarok dahil sa kanyang pagpupursigi. Ang lupang natatapakan ay kristal na kumikinang ! Itong pook na ito ay nakatago mula sa ilaw subalit masmaliwanag pa kaysa sa may ilaw. Ito rin ay mahalaman at mabulaklak. Dito rin ay may palasyong kumislap na yari sa gintong pilak !

 

Tayutay

Saknong 501

Patuloy ang paghuhugos -Pagtutulad dahil ang dilim daw ay

Si Don Jua’y walang takot parang kumot.

Maging noon mang masapot

Ng dilim na parang kumot.

 

 

Saknong 505

Habang siya’y lumulubog -Kabalintunaan dahil lalong lumalalim

Lalong ayaw na matakot ang naaabot niya pero lalo siyang hindi

Matibay sa kanyang loob natatakot.

Na ang lihim ay matalos.

 

Saknong 510

Buong lupang yayapakan -Kabalintunaan dahil ang pook na ito ay

Ay kristal na kumikinang ! hindi tinatamaan ng araw subalit daig

Pook na tago sa araw, pa nito ang mga pook na may ang araw

Ngunit daig ang may ilaw. Ay nakikita.

 

 

Mahalagang Saknong

Saknong 483

Ang bunganga ay makinis -Ito’y mahalaga dahil dito makikita natin

Batong marmol na nilalik, kung bakit naakit sila sa balon.

Mga lumot sa paligid

Mga gintong nakaukit.

 

Saknong 489

Si Pedro ay humadlang -Ito’y importante dahil makikita natin

Wala ka ring karapatan, ang mga karapatan ng panganay

Pagkat ako ang panganay, kaysa sa masbata nilang kapatid.

Nasa akin ang katwiran.”

 

Saknong 492

Tatlumpung dipa lamang -Dito makikita natin kung gaano ka

Ang nalusong ng panganay, delikado at hirap na malusong ang

Lubid ay agad nang tinantang, balon.

Nang umaho’y nananamlay.

 

Saknong 505

Habang siya’y lumulubog -Mahalaga ito dahil dito ay clarong-claro

Lalong ayaw na matakot ay na si Don Juan ay determinado talaga.

Matibay sa kanyang loob

Na ang lihim ay matalos.

 

Gabay na Tanong

  1. Paano nasabi ni Don Juan na mahiwaga ang balon ?
  2. Bakit nila nasabi na posibleng may nag mamayari ng balon ?
  3. Bakit nagtagumpay si Don Juan subalit ang kanyang dalawang kapatid ay hindi ?

Kahalagahan ng Kabanata

Ang kabanata na ito ay mahalaga dahil dito ay ipinapakita ang pagkakaiba ni Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Si Don Juan ay determinadong-determinado at may paniwala na ang anumang sinimulan niya ay nararapat niyang tapusin kaya naabot niya ang ilalim ng balon. Si Don Pedro at Don Diego naman ay medaling bumigay. Wala tuloy silang narating.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s