Kabanata 14 – Walang Dambuhalang Kalaban

Buod

Sa unang pagkakataon na namasdan ni Don Juan si Donya Jauna na marilag ay agad nabihag ang puso niya. Si Donya Juana ay napakamarilag na siya’y inihambing sa isang sumisikat na bituin. Sa sobrang pagkabihag ng puso ni Don Juan kay Donya Juana, nasabi niyang siya’y napakabango tulad ng sampaga at sinasamba niya ang yapak ni Donyo Juana. Naakit si Donya Juana sa bati ni Don Juan subalit siya’y nagtataka kung paano si Don Juan napadpad doon. Wika naman ni Don Juan na siya’y napadpad dito ng kusa hail sa kanyang pagsintang dakila. Sinabi rin ni Don Juan na kung kasalanan na minamahal niya siya(Donya Juana), siya’y handa tumanggap ng parusa.Si Don Juan ay lumuhod at si Donya Juana ay timamaan ng pag-irog. Sa puso’y naramdaman ang pagsinta ni Don Juan subalit tinimpi niya ito at nagkunwaring galit sa prinsipe.Dahil dito’y nasabi ng prinsipe na kung ika’’y walang pagsinta saakin, kutlin mo na ang aking buhay. Ano pa raw ang halaga niya kung sa pagsinta’y sawi rin. Wika ni Don Juan “sukatin mo yaring hirap ng sa iyo ay paghanap balong lihim ay di tatap nilusong kong walang gulat, hinamak ang kadiliman at panganib na daratnan, ngayong kita’y masilaya’y sawi pa rin yating buhay !” Si Donya Juana tuloy ay napaluha ay winika “Tanggapin mo yaring puso, pusong iyan pag naglaho’y nagtaksil ka sa pangako. Sinabi naman ni Don Juan na “Magtaksil ? Pagtaksilan ang buhay ng aking buhay ?” Si Donya Juana naman ay nagwika, ngayon, ako may problema saan kita itatago nang makaligtas sa pasakit ng Higanteng napakalupit ? Ang higante ang nag-aalaga sakin at kapag ika’y nakita, buhay mo’y manganganib. Si Don Juan nama’y tumangi dahil ang matakot daw ay di bagay. Kaso nga lang, matalas ang pang-amoy ng higante at naamoy niya si Don Juan at siya’y kinalaban niya. Sa huli, ang Higante’y napatay ni Don Juan. Si Donya Juana’y natuwa at inaliw ang kanyang irog. Ang prinsipe naman ay kahit pagod ay naging masigla lalo na nangmatitigan ang Prinsesa.Pagkatapos ng laban ay sinabi ni Don Juan halika na hirang at ang balon ay panawan subalit si Donya Juana’y di pumayag dahil ang kanyang bunsong kapatid ay maiiwan. Kaya si Don Jua’y nagpaalam at tumuloy na para iligtas si Leonora.

 

Tayutay

Saknong 514

Sumisikat na bituin -Pagtutulad dahil si Donya Juana ay

Sa bughaw na panginorin, inihahambing sa isang sumisikat na

Nakangiti at magiliw bituin.

Sa pagsasabog ng ningning !

 

Saknong 537

Prinsesa’y di nakasagot, -Pagtutulad dahil ang sigaw ng Higante

Kinilabutan sa takot, ay parang kulog daw.

Higante sa kanyang poot

Sumisigaw, parang kulog !

 

Saknong 540

Salamat nga’t narito na -Pagtutulad dahil sinabi dito “sa tiyan

Sa tiyan kong parang kweba kong parang kweba.”

Ang kaytagal ko nang pita

Ang tatlo man ay kulang pa.”

 

Saknong 565

Anong tamis ng mamatay -Kabalintunaan dahil kalian naging

Kung kugod ng minamahal ! matamis mamatay ?!

Anong saklap ng mabuhay

Kung duwag na tuturingan!

 

Mahalagang Saknong

Saknong 519

Ako’y iyong kahabagan -Dito makikita natin na handa si

O, Prinsesang minamahal, Don Juan gawin ang lahat para

At kung ito’y kasalanan kay Donya Juana.

Sa parusa’y nakalaan.”

 

Saknong 533

Kung datnan kang kaniig ko -Dito ay ipinapakita kung gaano ka

Galit niya ay susubo, panganib ang Higante.

Manganganib ang buhay mo’t

Baka ikaw ay matalo.”

 

Saknong 555

Si Leonora’y kapatid kong -Ito’y importante dahil dito naipakita

Kasama sa balong ito, natin ni Donya Juana na mahal na

Naririyan sa palasyong mahal niya ang kanyang kapatid

Dito’y tanaw na tanaw mo. Dahil hindi niya magawang umalis

Ng balon ng wala siya.

 

Gabay na Tanong

  1. Bakit agad agad nahulog ang loob ni Don Juan kay Donya Juana ?
  2. Bakit si Donya Juana nag-alala para kay Don Juan ?
  3. Anong katangian ang pinakita ni Donya Juana nang pinigilan niya ang pag-alis nila sa balon para kay Leonora ?

Kahalagahan ng Kabanata

Ang kabanata na ito’y mahalaga dahil si Don Juan naipakita ni Don Juan na dalisay ang pagmamahal niya kay Donya Juana at kaya niyang gawin ang lahat para sa natatanging bumihag ng kanyang puso. Naipakita rin niya na siya’y matapang at magaling nung kinalaban at tinalo niya ang Higante.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s