Kabanata 17 – Hanggang Kailan?

Buod

Nagtataka si Haring Fernando kung na saan ang kanyang mga anak. Nagbabalik sina Don Pedro at Diego kasama sina Donya Juana at Leonora. Sinabi nila na hindi nila nakita si Don Juan. Kinuento ni Don Pedro tungkol sa laban sa balon pero sinabi niya na siya at si Don Diego ang lumaban ngunit hindi si Fernando nasiyahan. Pagkatapos magkwernto sinabi na magkakasal si Don Pedro kay Donya Leonora at si Don Diego kay Donya Juana Hiniling ni Donya Leonora na huwag muna sila magkasal dahil naaalala niya si Don Juan. Sa wakas ng kabanata, ikinasal sina Don Diego at Donya Juana at nagpista sila habang nagdurusa si Don Juan.

Gabay na Tanong

1.)    Bakit kaya hindi nasayahan si Don Fernando sa kwento ni Don Pedro?

2.)    Ano ang kwento na binigay ni Don Pedro kay Don Juan?

3.)    Bakit tumangi si Donya Leonora ipakasal si Don Pedro?

Tayutay
Saknong 701 – Pagsasatao

Binigyan ng aksyon ang panaginip.

Nguit anong dusa’t sakit 

Nang sa mata’y mapalapit,

Wala rin ang ninanais,

Nabuhay ang panaginip

Saknong 705 – Pagmamalabis

Imposible naman na gawin ang lahat ng ito ng isang tao.

Walang burol, nayo’t bundok 

Na di namin nahalughog

Siniyasat bawat tumok

Mga sapa, batis, ilog

Saknong 712 – Panawagan

Kinakausap niya ang Diyos at wala naman sa harapan niya ang Diyos.

Binendisyunang puspos 

Mga anak niyang irog

At ang sabi: “O, sa Diyos,

Pasalamat kayong lubos”

Mahalagang Saknong
Saknong 701  

Nguit anong dusa’t sakit

Nang sa mata’y mapalapit,

Wala rin ang ninanais,

Nabuhay ang panaginip

Ipinakita na ang panaginip ni Don Fernando ay talagang nangyari.
Saknong 711  

Haring mayro’ng kalungkutan

Sa balitang napakinggan

Dili hindi nasiyahan

Sa anak na katapangan

Ipinapakita ito na kahit maganda ang kwento ni Pedro namimiss niya na talaga ang paboritong anak niya si Don Juan 

 

Saknong 717  

Ako po’y di sumusuway

Sa atas mo, Haring mahal

Ngunit isang kahilingang

Iliban muna ang kasal

Mahalaga dahil pinapakita ni Donya Leonora na mahal pa niya si Don Juan at hindi niya talaga mahal si Don Pedro. 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s