Kabanata 18 – Muling Paghahanap, Muling Pagtatagpo

Buod

Nakita ng lobo na bali-bali ang mga buto ni Don Juan at ang dugo ay lumalabas sa ulo. Kumuha ng tatlong boteng tubig ang lobo galling sa Ilog Herdan. Ipinahid  niya si Don Juan sa buong katawan ng tubig na nakuha sa Ilog Herdan at siya ay gumaling. Niyakap ni Don Juan ang lobo dahil sa paggagamot niya kay Don Juan. Sa tulong ng lobo, mabilis silang nakaalis sa balon,at nagpaalam kaagad ang lobo at pumunta na sa kagubatan. Nagdasal rin si Don Juan sa Diyos natulungan siya at iligtas sa panganib. Pagkatapos niya magdasal, naglakbay si Don Juan, ngutin napagod siya at nagpahinga sa  ilalim ng puno. Nakita niya ang Ibong Adarna at ito ay umawit. Inawit ng Ibong Adarna kung paano siya nakaalis sa hawla, at inawit din niya na kalimutan na niya si Leonora at magpatuloy sa Reyno de los Cristales para hanapin si Maria Blanca.

Gabay na Tanong

1.)    Ilang bote ng tubig ang kinuha ng lobo at saan ito kinuha?

2.)    Saan patungo si Don Juan at bakit?

3.)    Bakit kaya pumunta ang lobo sa kagubatan?

Tayutay
Saknong 741 – Pagtutulad

Ikinukumpara ang loba sa isang batang minamahal.

Sa laki ng katuwaan 

Ang lobo ay nilapitan

Niyakap at pinagyamang

Parang batang minamahal

Saknong 750 – Panawagan

Kinakausap niya ang Diyos at wala naman sa harapan niya ang Diyos.

O, Diyos, Haring mataas 

Panginoon naming lahat

Sa alipin po sa panganib,

Na ituro yaong landas

Saknong 751 – Panawagan

Kinakausap niya ang Diyos at wala naman sa harapan niya ang Diyos.

“Yaong landas na matuwid 

At ligtas po sa panganib,

O, Ama kong inibig

Kasihan ka rin ng Langit!”

Mahalagang Saknong
Saknong 741 

Sa laki ng katuwaan

Ang lobo ay nilapitan

Niyakap at pinagyamang

Parang batang minamahal

Ito ay mahalaga dahil ipinapakita nito ang kalinisan ng puso ni Don Juan 

 

Saknong 750 

O, Diyos, Haring mataas

Panginoon naming lahat

Sa alipin po sa panganib,

Na ituro yaong landas

Ito ay mahalaga dahil ipinapakita nito na si Don Juan ay isang maka-Diyos na tao. 

 

Saknong 751 

“Yaong landas na matuwid

At ligtas po sa panganib,

O, Ama kong inibig

Kasihan ka rin ng Langit!”

Ito ay mahalaga dahil nanatili parin ang pag-uugali ni Don Juan na humingi ng gabay sa Diyos. 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s