Kabanata 19 – Ang Ganti sa Mapagkumbaba

Buod

Nalulunkot na si Donya Leonora dahil iniisip niya na sana buhay pa si Don Juan, at bakit hindi pa bumabalik ang lobo na inutusan niya para gamutin si Don Juan. Samantala, si Don Juan ay naghahanap parin sa Reyno de lod Cristales. Tatlong taon na siya naglalakbay, at may isang araw may nakita siyang isang ermitanyo. Humingi si Don Juan ng pagkain sa ermitanyo. Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng isang maitim na tinapay, ngunit sa kanyang gutom, kinain niya ito. Binigyan rin siya ng tubig, at tinanong ni Don Juan kung nasaan ang Reyno de los Cristales,  pero kahit na isang daan na taon na siya naglalakbay, hindi niya ito alam. Binigyan siya ng isang baro, at sinabi ng ermitanyo na pumunta sa ikapitong hanay ng bundok para magtanong sa ermitanyo na nandoon.

Gabay na Tanong

1.)    Ilang taon naglalakbay ang ermitanyo?

2.)    Ano ang ibinigay na pagkain ng ermitanyo kay Don Juan?

3.)    Ilang taon naglakbay si Don Juan?

Tayutay
Saknong 791 – Pagwawangis

Ikinukumpara ang mahina niyang buhay sa pananggol niyang matibay.

“Kaya lamang di mapatay 

yaring mahina kong buhay,

ay panaggol kong matibay

ang pagsinta mong dalisay.

 

Saknong 815 – Pagwawangis

Ikinukumpara ang kalinisan ng tubig sa kristal.

Ininom na yaong tubig 

Kristal waring anong linis!

Malinamnam at ang lamig

Sa dibdib ay gumuguhit!

 

Saknong 804 – Kabalintunaan

Hindi naman magiging masarap ang isang tinapay na maitim at puno ng bukbukin.

Ang maitim na tinapay 

Bukbukin at lumang tinapay.

Anong sarap at linamnam

Parang kaluluto lamang!

 

Mahalagang Saknong
Saknong 780 

Araw gabi’y tumatangis

sa kinalalagyang silid,

walang lagging nasasambit

kundi si Don Juang ibig.

 

Ito ay nagpapakita na mahal pa rin ni Donya Leonora na lagi nasa isip niya ay si Don Juan lamang.
Saknong 795 

Tatlong taong naglalakad

sa parang at mga gubat,

masigasig ang paghahanap

sa reynong kanyang pangarap.

Ipinapakita rito na gusto talagang gusto mahanap ni Don Juan ang reyno de los Critales.
Saknong 828 

“Ngunit kita’y tuturuan,

bundok na yao’y parunan,

mula rito ay tandaan

nasa ikapitong hanay

Ipinapakita rito na tinulungan ng ermitanyo si Don Juan kung saan pwede magtanong kung nasaan ang reyno de los Cristales.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s