Kabanata 21 – Bunga ng Pinaghirapan

I.            Mga Gabay na Tanong:

  1. Ilang buwan naglakbay si Don Juan patungo sa bundok?
  2. Sino ang natagpuan niya diyan?
  3. Bakit kaya mahiwaga ang barong iyon?
  4. Anong pagkakapareho at pagkakaiba ng dalawang ermitanyo?

 

II.            Mahahalagang Saknong:

SAKNONG RASON
Saknong 860

Pagkakita sa Prinsipe

ang matanda ay pumiksi:

“Ikaw tuksong pagkalaki

lumayo sa aking tabi”

Makikita natin dito na tinanggihan ng ermitanyo si Don Juan.
Saknong 864

Nakita ang dalang baro

Ermitanyo’y napatango,

noon niya napaghulo

na mali ang kanyang kuro

Ang baro ay parang susi para makausap niya ang mga ermitanyo.

Sakong 870

“Tinutunton ko pong pilit

ang Reyno de los Cristales

kahariang sakdal-dikit,

kayo ang nakakababatid.”

 

Malalaman natin dito ang pakay ni Don Juan o kung bakit siya pumunta roon.

Saknong 909

Ang sagot  na maliwanag:

“Di po namin natatatap,

malayo po dili hamak

itong Cristalinong syudad.”

Tinawag ng ermitanyo ang mga hayop sa gubat at hindi alam ng mga hayop kung saan matatagpo ang Reyno de los Cristales.
Saknong 921

“Ermitanyong iniibig,”

sagot ng ibong mabait,

“isang lupaing marikit,

ang Reyno de los Cristales.”

Ang agila pala ang may alam kung saan matatagpo ang Reyno de los Cristales.
Saknong 927

Sumang-ayon ang Agila:

“Sambuwan po’y makukuha,

darating pong walang sala

sa banyo ni Donya Maria.”

Sa wakas, nagtagumpay na rin si Don Juan dahil makakapunta na siya sa Reyno de los Cristales.
Saknong 935

Dalang baon ay ubos na

nakarating naman sila

sa banyo ni Donya Mariang

tubig ay kaaya-aya.

Nagtagumpay si Don Juan dahil nakarating na siya sa Reyno de los Cristales.

 

III.            Tayutay:

Tayutay Paliwanag
Saknong 865

Hinagkan na’t tinangisan

yaong barong kanyang tangan,

luha sa mata’y bumukal                                  agos ang nakakabagay

Pagtutulad

 

Ikinukumpara ang luha sa agos. Ito ay dahil sa pag-iiyak ng sobra-sobra ng ermitanyo.

Saknong 866 At nagwika ng ganito:                                                    “Hesus na Panginoon ko,                                isang galak ko na itong                                    pagkakita sa baro Mo.” Panawagan

Kinakausap niya ang Panginoon kahit wala naman Siya sa harap niya.

Saknong 867 “Ngunit ang di ko makita’y                         katawan Mong mapaninta;                                     di ko nababayaran pa

ang aking nagawang sala.”

Panawagan

Kinakausap niya ang taong wala naman sa harap niya.

Saknong 892

“O, Diyos na darakila

ito’y isa Mong himala,

sa dunong Mo’y sino kaya

ang maaaring humula?

Panawagan

 

Kinakausap niya ang Diyos na wala naman sa harapan niya.

 

IV.            Buod:

Si Don Juan ay naglakbay ng limang buwan patungo sa bundok at doon niya natagpuan ang isa pang ermitanyo. Gustong paalisin ng ermitanyo si Don Juan ngunit pagkatapos tanungin ng ermitanyo kung ano ang pakay niya, Ipinakita ni Don Juan ang barong binigay sa kanya ng unang ermitanyo. Itinanong ni Don Juan kung nasaan ang Reyno de los Cristales. Tinawag ng ermitanyo ang mga hayop sa gubat ngunit walang may alam kung nasaan. Pinadala siya ng ermitanyo sa Olikomyo papunta sa isa pang ermitanyo. Ibinigay niya ang barong dala niya sa isa pang ermitanyo na kapatid ng ermitanyong nakausap niya. Tinawag naman ng ermitanyo ang mga ibon ngunit wala ring may alam. Alam ng agila kung nasaan ang Reyno de los Cristales. Nagpangako ang agila na dadalhin niya si Don Juan doon. Nagpasalamat si Don Juan at umalis na sila papuntang Reyno de los Cristales.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s