Kabanata 22 – Agad Kitang Minahal

I.            Mga Gabay na Tanong:

  1. Ilang buwan bago nakarating si Don Juan sakay ng agila sa Reyno de los Cristales?
  2. Saan dinala ng agila si Don Juan?
  3. Ano ang ninakaw ni Don Juan kay Donya Maria?
  4. Anong ginagawa ni Donya Maria noong nasa paliguan siya?

 

II.            Mahahalagang Saknong:

SAKNONG RASON
Saknong 938

Asahang sa iaapat

Ng madaling-araw na oras

Dito’y darating na tiyak

Ang prinsesang iyong hanap

Alam na alam talaga ng agila kung anong oras maliligo ang prinsesa.
Saknong 958

Ang damit ay dinala na

Sa dating kublihan niya

Sa gayong pagkakasala’y

Nakahanda sa parusa

Sa sobrang ganda ng prinsesa, hindi na nakayanan ni Don Juan ang kagandahan ng prinsesa kaya handa siyang maparusahan sa kanyang maling ginawa.
Saknong 961

 

Sino kayang lapastangan

Ang naparitong nagnakaw

Baka ang utusan naman

Ng haring aking magulang

Talagang galit na galit si Donya Maria sa taong nagnakaw ng kanyang damit.
Saknong 980

Kung sa aking pagsasakit

Ay wala ring masasapit

Bumagsak na iyang langit

Mamatay ay anong tamis

Ipinapakita rito na mas gusto pa ni Don Juan na maparusahan siya nang Masaya kaysa hindi siya mahalin ni Maria Blanca.
Saknong 987

Sa ating pagsusuyuan

Sa atas ng pagmamahal

Maglihim ay kataksilan

Ang prinsesa’y nagsasalaysay

Pinatawad na ni Donya Maria si Don Juan at sila’y nagkakagusto na sa isa’t-isa.

 

 

 

III.            Tayutay:

TAYUTAY PALIWANAG
Saknong 942

Silang tatlo’y nakagayak

Kalapating binusilak

Diyan sa puno ng Peras

ay darapong buong gilas

Pagwawangis

Silang tatlo ay kinukumpara sa kagandahan ng kalapati.

Saknong 951

Dilag ni Don Maria

Walang kapantay sa kanya

Ipikit man yaong mata’y

nasisilaw din ng ganda

Pagmamalabis

Sinasabi rito ay sobrang ganda ni Donya Maria. Walang papantay sa kanyang kagandahan.

 

Sanong 974

Maging apoy na mainit

Na ang ningas ay malupit

Pag nasubhan na ng tubig

Pinapatay rin ng lamig

Aporismo

Sinasabi rito na kahit sobrang galit ang isang tao sayo, kaya ka pa rin niyang patawarin kapag ikaw ay humingi ng tawad.

 

IV.            Buod:

Pagkatapos ng isang buwan na paglalakbay, nakarating na rin si Don Juan sakay ang agila. Binaba siya ng agila sa paliguan ng mga prinsesa. Pinayuhan siya ng agila na sa akaapat na oras makikita niya ang princesa. Naghintay ang prinsipe pinipigalan ang tulog. Nang umalis na ang agila, nakita ni Don Juan si Donya Maria o si Maria Blanca. Sobrang nagandahan siya kay Donya Maria. Dahil ditto, ninakaw ni Don Juan ang mga damit ni Donya Maria habang siya’y naliligo. Nalaman ni Donya Maria na may nagnakaw ng kanyang damit at galit na galit siya. Isang oras niyang hinanap pero wala parin. Paparusahan daw niya ang taong gumawa nito. Nagpaliwanag si Don Juan kay Donya Maria kung bakit niya ito ninakaw. Habang sila’y nag-uusap, umibig sila sa isa’t-isa.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s