I. Mga Gabay na Tanong:
- Ano ang ikinuwento ni Donya Maria kay Don Juan?
- Ano ang mga binilin ni Donya Maria kay Don Juan?
- Sinunod ba ni Don Juan ang mga payo ni Donya Maria?
- Ano ang ginawa ng hari kay Don Juan?
II. Mahahalagang Saknong:
SAKNONG | RASON |
Saknong 989
Iyang iyong natatataw mga batong nakahanay, ang lahat na’y taong tunay na pawang naparusahan. |
Malalaman natin dito na ang mga batong nakahanay ay ang mga taong pawang naparusahan. |
Saknong 994
Kaya lahat ng bilin ko ay itanimsa loob mo, ingatang huwag mabuyo sa kay amang silo’t tukso. |
Sinasabi ni Donya Maria kay Don Juan na tandaan ang lahat ng bilin niya sa kanya upang siya’y hindi mapahamak. |
Saknong 1039
“Minumutya kong Prinsesa,” sa prinsipeng parirala “ang utos ng iyong ama mabigat at di ko kaya. |
Malalaman natin dito na nahihirapan si Don Juan sa mga utos ng hari at humihingi siya ng tulong kay Donya Maria. |
Saknong 1045
“Lahat ng dapat mong gawin ang pangyari’y nasa akin, matulog ka nang mahimbing at masaya kang gigising.” |
Si Donya Maria na raw ang gagawa ng lahat kaya pwede nang matulog ng mahimbing si Don Juan. Paggising niya, nagawa na ang lahat ng utos ng hari. |
Saknong 1060
“Gayon pa ma’y tingnan natin sa bago kong hihilingin, sa bigat nito marahil buhay niya’y makikitil.” |
Malalaman natin na hindi pa sumusuko ang hari at bibigyan pa niya ng mas mahirap na utos si Don Juan. |
III. Tayutay:
TAYUTAY | PALIWANAG |
Saknong 993
Pagkat kita’y iniibig, pag-ibig ko’y hanggang langit, Don Juan, hindi ko nais Mabilang ka sa naamis |
Pagmamalabis
Ang pag-ibig naman ay hindi hanggang langit. |
Saknong 1014
Bayan ninyo ay nasapit sa atas po ng pag-ibig pusong lumagi sa hapis ang hanap ay isang langit |
Pagmamalabis
“Pusong lumagi sa hapis” hindi naman ito nangyayari.
|
Saknong 1015
Sa panagipa’y natalos naririto ang alindog talang wala nang paglubog ito’y anak mo pong irog |
Pagwawangis
Kinukumpara ang TALA sa ANAK. |
Saknong 1051
Sa ingay lang niyong pukpok mababasag na ang bundok mga intsik kasing pulos ang sa gawa’y pinakilos |
Pagmamalabis
Hindi naman nababasag ang bundok dahil sa ingay ng pukpok. |
IV. Buod:
Ikinuwento ni Donya Maria kay Don Juan kung ano ang mga batong nakikita nila. Sila raw ay ang mga dating lumigaw sa kanya at sila’y naparusahan ng hari. Nagbilin si Donya Maria kay Don Juan at pagkatapos, sila’y naghiwalay. Kinausap ni Don Juan ang hari at hindi sinunod ni Don Juan ang payo ni Maria Blanca kaya napahiya siya at tinawanan siya ng mga tao sa korte. Binigyan ng hari ng mga mahihirap at malulupit na utos si Don Juan. Tinulungan ni Donya Maria si Don Juan sa pamamagitan ng mahika. Nagawa ang lahat ng utos ng hari kaya napapayag niya ang hari na pakasalan si Maria Blanca.