Kabanata 24 – Tagisan ng Talino

Buod

Ipinatawag si Don Juan sa reyno para sumailalim sa ilang pagsubok. Ang unang pagsubok ng hari ay kailangan ni Don Juan na ibalik ang labin-dalawang ita na galing sa prasko bago sumapit ang umaga. Noong umaga na, sinabi ni ni Maria na tutulungan niya si Don Juan at magpahinga muna siya. Natapos ni Maria ang kanyang pangako kay Don Juan. Inutusan naman ng hari si Don Juan na iurong ang bundok sa harap ng palasyo. Ang pangatlong utos naman ng hari ay gumawa ng bagong palasyo. Sinadyang ihulog ng hari ang kanyang singsing sa tabing dagat at inutusan si Don Juan na ibalik ito. Lahat ito ay nagawa ni Don Juan sa tulong ni Donya Maria.

Mahalagang Saknong

1197

Ngiting ito’y ngiting taksil

sa pangako’t sinungaling,

sa mabuting sasabihin

may masamang malilihim

Pinapakita dito kung gaano kasama ang hari

1082

“Akin naman iyang prasko

sa dahat tayo patungo,

sa tubig lulusong tayo’t

tatawagin ang negrito

Pinapakita dito kung gaano kamahal ni Maria si Juan

1101

“ang ibig ko’y iyang bundok

dito’y iyong maiusod

isang malaki kong lugod

na sa hangin ay mabusog

Ipinapakita dito kung gaano kaimposible ang mga utos ng hari pero nagagawa ni Juan sa tulong ni Maria.

Tayutay

1265

Ikaw’y baglang ililipad

aabot sa alapaap,

hangin doon ay malakas

at sa lupa ka lalagpak

pagmamalabis – Hindi naman natin talaga kaya abutin ang mga alapaap.

1158

Mga alon sa pampangin

kung humalik ay may lambing,

bulang sa tabi’y humimpil

mabangong bulaklak ng Hasmin

pagsasatao – Binigyan ng aksyon ang mga alon.

1158

Mga alon sa pampangin

kung humalik ay may lambing,

bulang sa tabi’y humimpil

mabangong bulaklak ng Hasmin

pagwawangis – Ikinukumpara ang bula sa Hasmin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s