Kabanata 25 – Malayang Umibig

Buod

Ipinatawag ulit ni Haring Solermo si Don Juan dahil may ipapagawa nanaman siya. Kung hindi ay ipapapatay si Don Juan. Nang malaman ni Donya Maria ang ipinapagawa, hiling niya sa kanyang ama na wag na ituloy. Pero hindi siya nakinig. Ang ginawa ng dalawa ay nagtanan sila at umalis sa kaharian. Sinubukan ni haring Solermo na habulin at hanapin sila ngunit sumuko rin ang hari sa huli. Sinumpaan nalang ng hari sila Don Juan na pagtapak ni Donya Maria sa Berbanya, makakalimutan ni Don Juan si Donya Maria. Namatay ang hari.

Mahalagang Saknong

1328

“O, si Ama!” ang nawikang

buong lungkot at naluha,

“bakit siya gayon kaya

sa anak ay walang awa?

Pinapakita dito kung gaano kasama ang hari

1343

Nakaalis man nga silang

kaharian ay nagulo,

nang mapansin, kapagdaka

ay humabol ang Monarka

Nakikita dito na ayaw magpatalo ng hari

1371

Nagkasakit at naratay

di nagluwat at namatay

nabigo and kanunungang

agawin ang kanyang buhay

Pinapakita dito na may karma na nangyayari.

Tayutay

1294

ang umaga ay bumati

kay Don Juang nagwawari,

makailan pang sandali

nagpasundo na ang hari

Pagsasatao – Dahil binigyan ng aksyon ang umaga.

1330

O magulang O pagi-ibig

Aling daan ang matuwid?

Ilaw ninyo yaring nais

sa nadirimlan kong isip”

panawagan – Kinakausap niya ang Diyos at wala naman sa harapan niya ang Diyos.

1342

Tumakas na ang magkasi

sigla’t tuwa ang baluti,

sa takbong pinagbubuti

mapagitna, mapatabi

pagwawangis – Ikinukumpara ang sigla’t tuwa sa baluti.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s