Kabanata 26 – Ikakasal Ka Nga Ba?

Gabay na tanong:

Ano kaya ang pangako nina Juan at Maria?
Ano kaya ang nangyari kay Juan sa Berbanya?
Ano ang ginawa ni Leonora sa oras na dumating na ang lahat?

Buod:

Malapit na sina Don Juan at Donya Maria dumating sa Berbanya kaya binilin ni Juan na manatiling sa isang malapit na bayan si Maria. May pangako silang dalawa na hindi dapat si Don Juan lumapit o Makita ang isang babae kahit na ang kanyang ina. Bumalik na si Juan sa Berbanya at lahat ay nagsaya. Si Haring Fernando ay nagsaya rin at si Leonora ay nagkwento tunkol sa totoong nangyari sa balon. Nalaman ni Maria na sinira ni Juan ang kanilang pangako. Dahil nakabalik na si Juan gusto na ni Leonora magpakasal kaya nagplano na sila pero hahayain ba ni Maria ito?

Mahalagang Saknong:

Saknong 1396

“Hinihingi ko sa iyong
Pagdating mo sa palasyo
Iwasan sanang totoo
Sa babae’y makitungo”

Mahalaga ito dahil ipinapakita na talagang nag titiwala si Maria kay Juan. Ito rin ay dahil mahal na mahal si Juan.

Saknong 1408

“Ang ginawang iyon niya,
Di kagaspangan aniya
Pusong uhaw sa pagsinta,
Ang hiya’y nalillimot na”

Mahalaga ito dahil nagtagumpay parin ang kahinaan ni Juan na ang magagandang babae. Ito rin ay dahil nakalimutan ni Juan ang pangako nila

Saknong 1434

“Batalos ni Donya Maria
Sa tulong ng dunong niya:
Ang prinsipeng kanyang sinta
Nakalimot nang talaga”

Mahalaga ito dahil natuklasan na ni Maria ang ginawa ni Juan.
Tayutay:

Saknong 1406

“Labas na sa kanyang silid
Katauha’y nagtatalik,
Ang pagdating ng pag-ibig
Paglaya sa madlang sakit”

Pagwawangis- hinahambing ang pag-ibig sa madlang sakit

Saknong 1417

“Dito ako pakakasal
Pagkat isang kataksilang
Hangang langit isisigaw,
Ang sumpa ko’y talikuran”

Pagwawangis- Hangang langit isisigaw

Saknong 1435

“Ang pangakong babalikan
Nang araw ding magpaalam,
Inabot ng tatlong araw
Pangakong bulang natunaw.”

Pagwawangis- hinahambing ang bula at ang pangako

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s