Kabanata 27 – Bakas ng Nalimot na Lumipas

Gabay na tanong:

Ano ang ginawa ni Maria sa kasalan nina Juan at Leonora?
Ano ang ginawa ng mga ita?
Naalala ba ni Juan ang alaala niya?

Buod:

Kakasalin na sina Juan at Leonora sakaling dumating si Maria. Sinabi ni Maria may ipapakita siya. Naglabas siya ng bote at nandoon ang dalawang ita. Sumayaw at kumanata sila tungkol sa ginawa at dinaranas nina Juan at Maria. Pinalo ng negrita ang negritong ita sapagkat si Don Juan rin ang nasaktan. Kahit na nasaktan si Juan hindi parin niya naalala si Maria kaya nagalit siya.Ilang beses inulit ni Maria ang utos na gawin uli ang pagsayaw at kanta ng mga ita pero hindi parin naalala ni Juan siya. Pero aalis ba si Maria nang ganun lamang?

Mahalagang Saknong:

Saknong 1456

“Sa palasyo ay lalo nang
Nag-ibayo yaong sigla,
Lumuklok si Donya Mariang
Kasiping ng bunying Reyna”

Mahalaga ito dahil dumating si Donya Maria at hindi lang niya hahayain mawala ang kanyang mahal.

Saknong 1475

“Negrita ay may suplinang
Hawak panghampas niya,
Kung kumilos ay tila ba
isa siyang munting reyna”

Mahalaga ito dahil pinapakita ni Maria kay Juan ang ginawa at dinaranas nila para bumalik ang alaala niya.

Saknong 1495

“Si Donya Maria’y nagsaysay,
Ulitin ninyo ang sayaw,
Ang musiko’y magtugutga’t
Nang makaaliw sa lumbay”

Mahalaga ito dahil hindi si Maria susuko hangang maalala ni Juan siya

Tayutay:

Saknong 1444

“Sa karosa ay lumulan
Naliligid ng utusan
Sanghaya’t pagkakamalang
Buwan sa lupa’y dumalaw”

Pagsasatao- dumalaw ang buwan sa lupa

Saknong 1549

“Noon niya isinumpa
Ang anak na minumutya,
Diyos ko ang kanyang wika
kayo nap o ang bahala.”

Panawagan- Kinakausap niya ang Diyos kahit na hindi siya nasa harapan niya

Saknong 1555

“Ang prinsesa ay tumutol
Nang mabatid iyang layon,
Matwid niya’y ang maugong
Na dagat ay may daluyong”

Pagwawangis- ihinahambing ang pagugali ng protesta ni Maria sa isang dagat na may daluyong

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s