Kabanata 28 – Nagbalik ang Alaala ng Pag-ibig

Gabay na tanong:

Ano ang nangyari sa kasal nina Juan at Leonora?
Sino ang kakasal ni Juan?
Ano ang sinabi ni Juan para pareho sila Masaya?

Buod:

Dahil hindi natandaan ni Juan si Maria nagbalak siya sirain ang reyno. Sisirain na ni Maria ang prasko pero biglang niyakap ni Juan si Maria. Naalala na niya si Maria. Sinabi ni Juan na si Maria ang talagang gusto niyang magpakasal. Sinabi iyan ni Juan at nagkwento si Leonora sa anong ginawa ni Juan at dinaranas niya sa Armenya at sa balon. Sinabi din ni Maria ang nangyari sa kanya. Pagkatapos pinili parin ni Juan si Maria pero ang Arsobispo ay nagsabi si Leonora. Nagalit si Maria at binuhos ang prasko pero dahil sa sinabi ni Juan na “ako’y iyo’t ikaw’y akin” nagbago ito. Sinabi ni Juan na dapat si Pedro ang makasal kay Leonora dahil masama mag laban sa pag-ibig. Si Leonora kay Pedro at si Maria kay Juan.

Mahalagang Saknong:

Saknong 1581

“Saka buong pagmamahal
Kay Donya Maria’y nagsaysay:
Ikaw nga, Prinsesang hirang
Ang sa nayon ay iniwan”

Mahalaga ito dahil naalala na ni Juan si Maria at gusto niya magpakasal sa kanya.

Saknong 1666

“Ngayo’y wala ka nang daan
Si Leonora ang katipang
Tintanggap ng simbaha’t
Sa Prinsipe’y ikakasal”

Mahalaga ito dahil ito ang sisira sa plano nila Juan at Maria.

Saknong 1670

“Maglubag na, aking giliw,
Sa galit mong kinikimkim,
Kahit ano ang marating
Ako’y iyo’t ikaw’y akin.”

Mahalaga ito dahil pinapakita na si Maria ang talagang mahal niya at dahil dito hindi niya hahayain na iba ang kakasal niya.

Tayutay:

Saknong 1611

“Gaano ang aking luha
At hinagpis sa ginawa!
Yamang siya ay nawala
Kamatayan ko’y ninasa”

Pagmamalabis- bibigay niya ang kanyang buhay kapag mamatay siya.

Saknong 1618

“Kami na nga’y kinaladkad
Ng magkakapatid na uslak,
Luha nami’t pakiusap
Tinugon ng mga dahas.”

Kabalintunaan- sinasabi na mga uslak ang magkapatid pero diba ang magkakapatid ay dapat mahal sa isa’t isa

Saknong 1664

“Arsobispo’y binalingan
At ang sabing malumanay
O,Diyos sa Kalangitan,
Kami’y iyong liwanagan”

Panawagan- kinakausap niya ang Diyos kahit na hindi sa harapan niya.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s