Kabanata 16 – Muling Pagtaksil

Buod

Nakalabas na sina Don Juan at Donya Leonora sa balon. Ikinuwento ni Don Juan ang mga nangyari sa loob ng balon. Nainggit si Don Pedro at muli niya si Don Juan tataksilan. Nakalimutan ni Donya Leonora ang singsing niya sa loob ng balon. Sabi ni Don Juan na siya raw ang bababa sa balon para kunin ito. Habang bumababa si Don Juan ng balon, pinutol ni Don Pedro ang tali. Nahulog si Don Juan sa napakalalim na balon, pero inutusan ni Donya Maria ang kanyang lobo bumaba sa balon at gamutin si Don Juan. Bumalik sila Don Pedro kasama si ang mga babae patungo Berbanya.

Gabay na Tanong Kabanata 16

1.)    Anong uri ng tao si Don Pedro?

2.)    Bakit inuutos ni Donya Leonora ang loba para gamutin si Don Juan?

3.)    Ano ang gusto mangyari ni Don Pedro kay Donya Leonora?

Tayutay ng Kabanata 16

Tayutay
Saknong 661 – Pagmamalabis

Hindi naman nasusunog and puso at pumuputok ang dibdib.

Pinabugho at ang imbot 

Sa puso ay sumusunog,

dibidb at ibig pumutok

sa sama ng kanyang loob.

 

Saknong 662 – Pagsasatao

Hindi naman nakakakita ang kasamaan ng daan.

Ang supling na kasamaan 

Nakakita rin ng daan,

pagkat nagulumihanan

kay Leonora si Don Juan

 

Saknong 683 – Pagmamalabis

Hindi naman kumukulo ang dugo natin sa galit.

 

Si Leonora’y walang kibo

 

Dugo niya’y kumukulo,

 

lason sa dibdib at puso

 

kay Don Pedrong panunuyo.

 

Malagang Saknong ng Kabanata 16

Mahalagang Saknong
Saknong 656 

Maganda man ang balita’t

dapat nilang ikatuwa,

kay Don Pedrong puso’t diwa

bumuko ang ibang nasa.

 

Mahalaga ito dahil ipinapakita na naiingit parin si Don Pedro sa nagawa ni Don Juan
Saknong 670 

Ngunit laking kataksilan

ng kapatid na panganay,

lubid niyang tangan-tangan

ay pinatid kapagkuwan.

 

Ipinapakita rito na tinaksilan ni Don Pedro ulit si Don Juan kahit na ipinatawad na siya noong unang taksil niya kay Don Juan.
Saknong 685 

Lobo ay pinabilinang:

“Ang Prisipe kung nasaktan

gamutin mong madalia’t

siya’y aking hinihintay.

 

Ipinapakita rito na mahal talaga ni Donya Leonora si Don Juan na ibinilin niya ang lobo para bumaba sa balon at gamutin si Don Juan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s